Pumalo na sa P1.7B ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Quinta sa sektor ng agrikultura.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, ang nasabing halaga ay katumbas ng 4,103,520 metric tons ng pananim na palay, mais at high value crops na nasira dahil sa pagbaha bunsod ng bagyo.
Na 30, 438 naman na magsasaka na mayroong 73,098 hectares ng lupang sakahan ang naapektuhan ng bagyo.
Samantala, maglalaan naman ang DA ng nasa P795-M ayuda mula sa quick reaction fund para sa rehabilitasyon ng mga naapektuhang lugar dahil sa bagyong Quinta.
Bukod pa dito nakahanda naring ipamahagi ang nasa 26,223 bags ng binhi ng palay, 6,785 bags ng binhi ng mais at 1,792kg ng mga gulay.