Nilinaw ng Joint Task Force COVID shield na kinakailangan pa rin ng ordinansa para payagang makapasok sa mall ang mga menor de edad.
Ang paglilinaw ay kasunod na rin ng naging pahayag ni National Capital Region Police Officer (NCRPO) Director Police Brig. Gen. Vicente Danao sa isang panayam sa radyo na nananatiling ban ang mga menor de edad sa mga mall na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Ayon kay JTF COVID Shield Commander Police Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, ang ordinansa ang magbibigay ng kapangyarihan sa mga Local Government Units (LGU’s) na maglagay ng kani-kanilang restrictions.
Samantala, tiniyak naman ni Binag na pinaghahandaan na rin nila ang pagpapatupad sa bagong direktiba.
Humihingi na rin aniya ng paglilinaw ang task force kung pinapayagan naring lumabas ang mga senior citizens na may edad 65 pataas.