Bukas na ang one stop shop para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) kung saan uubra siyang makapag-avail ng lahat ng serbisyo ng gobyerno.
Kasunod na rin ito nang paglulunsad ng OSSCO o One Stop Service Center for OFWs na nasa ground floor ng POEA Main Office.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang OSSCO ay tugon sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na gawing mas mabilis at madali para sa mga OFW ang pag-avail ng serbisyo ng gobyerno.
Ang OSSCO ay makakabawas ng gastusin ng MGA ofw at magpapaikli ng proseso ng kanilang mga dokumento.
Kabilang sa mga serbisyo ng OSSCO ay mula sa DFA, OWWA, TESDA, PRC, Marina, Home Development Mutual Fund, Philhealth, Sss, Philippine Statistics Authority, Bureau of Immigration, NBI, CHED, Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority at POEA.
Sinabi ni Bello na magtatayo rin ng one stop centers sa iba’t ibang rehiyon at posibleng bukas din kahit Sabado at Linggo at holiday.
By Judith Larino