Mas lalo pang pinag-iingat ng pamahalaan ang mga Overseas Filipino Worker’s (OFW)’s sa UAE o United Arab Emirates.
Ito ay bunsod nang mabilis na pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa gitnang silangan matapos na tanggalin ang mga pinaiiral na restrikyon.
Ayon kay Philippine Consul General Paul Raymund Cortes, hindi dapat maging kampante ang mga Filipino sa Dubai at iba pang bahagi ng UAE kahit na pinaluwag pa ang mga ipinatutupad na restriksyon doon dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa UAE.
Sinabi ni Cortes, obligasyon ng bawat isa na tiyakin na hindi sila tatamaan at makapanghahawa pa ng sakit.
Batay sa pinaka huling tala ng UAE Ministry of Health, noong Hulyo 4, sumampa sa 700 ang bilang ng panibagong kaso ng COVID-19 sa lugar.