Humihiling ng P8.23-bilyong pondo ang Office of the President para sa kanilang opisina sa susunod na taon.
Batay sa isinumiteng 2021 budget proposal ng Office of the President, nais nilang maglaan ng P2.25-bilyong confidential funds at P2.25-bilyon din para sa intelligence funds.
Nasa P6.487-bilyon naman ang mapupunta sa maintenance and operating expenses, P1.159-bilyon naman para sa personnel services at P590.9-milyon naman sa capital outlays sa susunod na taon.
Samantala, dinipensahan naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang paglalaan ng malaking pondo para sa confidential expenses kung saan ginagamit umano ng ni Pangulong Duterte ang bahagi ng pondo nito para sa mga programa na may kaugnayan sa pagtugon ng pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Tiniyak naman ni Roque na ang lahat ng gastos ng pamahalaan ay dumadaan sa audit.