Para maibsan ang matinding trapik sa mga lansangan partikular sa Metro Manila, ikinukonsidera na ni Pangulong Benigno Aquino III ang muling pagpapatupad ng odd-even scheme.
Sa naturang scheme, hahatiin ang mga sasakyan na bumibiyahe sa mga lansangan nang lingguhan, subalit mas mabigat ito kumpara sa kasalukuyang number coding na isang araw lamang masasakripisyo ang sasakyan.
Paliwanag ng Pangulo, ito ang pinaka-radikal na solusyon para kahit papaano’y masolusyunan ang matinding trapik sa kalakhang Maynila.
Gayunman, hindi malinaw kung katulad ito ng ipinatupad noong panahon nina dating Pangulong Fidel Ramos at Cory Aquino noong 1990’s.
By Jelbert Perdez