Lumobo na sa mahigit 95.4 na milyon ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling tala ng Agence France-Presse (AFP), pumalo na sa kabuuang 95,476,360 ang total cases ng COVID-19 sa iba’t ibang bansa matapos na madagdagan ng panibagong 512,975 ang kaso kahapon.
Samantala, umakyat naman sa 2,041,289 ang death toll sa buong mundo matapos na madagdagan ng bagong 9,002 na kaso ng pagkasawi kahapon.
Ayon pa sa AFP, ang mga bansang may pinakamaraming bagong naitalang pagkasawi bunsod ng COVID-19 ay ang amerika na may 1,385 na kaso, sinundan ng Germany na may 989 na nasawi at United Kingdom na may 599 na kaso.
Habang ang bansa namang may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ay ang Estados Unidos na may 24,079,205 cases.