Handa ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na magbigay ng ayuda sa mga pamilyang maapektuhan ng Bagyong ‘Ambo’.
Sa opisyal na pahayag ng NDRRMC, nasa P179-milyon na halaga ng food packs ang naka-standby ng Department of Social Welfare and Development (DSWD0 para sa 400,000 mga pamilya.
Habang nasa P780-milyon naman din na halaga ng non-food items ang inihanda na ng DSWD.
Sinabi rin ng DSWD, na nasa P224-milyong pondo rin ang inihanda ng ahensiya para sa posibleng pananalasa ng bagyo.