Umakyat na sa 722 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa China dahil sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Ito ay matapos na pumalo sa 86 ang namatay sa Hubei Province, ngayong araw lamang ng Sabado, ika-8 ng Pebrero.
Samantala, magugunitang ang naturang death toll ay mas mataas kumpara sa naging kaso ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) noong taong 2002 hanggang 2003 na nag-iwan ng 670 kataong nasawi.
Pumalo na sa kabuuang 34,546 ang kabuuang bilang ng kaso ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD) sa buong mundo.
Ito ay batay sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO) kung saan pinakamarami pa rin ang kumpirmadong kaso nito sa China na sinundan naman ng Japan, Singapore, Thailand at South Korea.
Sa ngayon nananatili namang tatlo ang kumpirmadong kaso ng 2019 nCoV-ARD sa bansa, habang nasa 215 naman ang bilang ng patients under investigation (PUIs) dahil sa naturang sakit. —sa panulat ni Ashley Jose