Umabot na sa 25 ang bilang ng nasawi dahil sa pananalasa ng super typhoon Rolly.
Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa kabuuang bilang, 4 dito ay naitala sa CALABARZON, 3 sa Batangas at 1 sa lalawigan ng Quezon.
21 naman sa Bicol region kung saan 13 dito ay mula sa Albay, 2 sa Camarines Sur at 6 sa Catanduanes.
Samantala, nasa 399 naman ang bilang ng naitalang sugatan habang nasa 6 naman ang nawawaka sa region 1, CALABARZON, MIMAROPA at region 5.
Tinataya namang nasa 473,611 na pamilya o katumbas ng mahigit 1-M indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Rolly.
Itoy kung saan 35,389 na pamilya sa nabanggit na bilang ay nananatili hanggang ngayon sa mga evacuation centers.