Nagpaliwanag ang Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging banta na pagkalas ng Pilipinas sa United Nations.
Ayon kay Duterte, nagbibiro lamang siya nang ipahayag niya ito kamakailan.
Aniya, kapag kumalas ang Pilipinas sa UN ay wala na itong ibang grupo na aaniban.
Gayunman, hindi nito pinalampas ang pagpuna ni UN Special Rapporteur on Summary Execution Agnes Callamand na nababahala ito sa nagaganap na extrajudicial killings sa bansa bunsod ng kampanya kontra iligal na droga.
Tinawag ni Duterte na bastos ang naturang opisyal ng UN.
Aniya, dapat ay direktang sumulat sa kanya si UN Secrteary Ban Ki Moon kung talagang nababahala ang kanilang hanay sa nangyayari at hindi basta na lamang magdadakdak sa media.
By Rianne Briones