Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang naganap na Halloween party sa isla ng Boracay kung saan nalabag ang ilang mga health protocols.
Ito mismo ang kinumpirma ni Malay, Aklan Mayor Frolibar Bautista matapos na makuhanan ng video ang naganap na party kung saan makikita na hindi nasunod ang minimum standard health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, at social distancing.
Sinabi ni Bautista, pinagmulta na ng tig-P5,000 ang mga organizers ng nabanggit na Halloween party.
Gayunman, tiniyak naman ng alkalde na nananatiling coronavirus disease 2019 (COVID-19)-free ang kanilang lalawigan.