Nilinaw ng Palasyo ng Malacañang na hindi pa isinasapinal ang muling paggamit ng dengvaxia vaccine.
Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kaugnay ng patuloy na paglobo ng kaso ng dengue sa bansa.
Aniya, bagaman welcome sa gobyerno ang muling paggamit sa kontrobersiyal na bakuna ay dapat munang ikonsidera ang opinyon ng World Health Organization (WHO) at mga medical experts.
Paliwanag ni Panelo, ayaw na nilang maulit ang pagkakamali kung saan ginamit ang dengvaxia para sa politicl agenda.
Kaugnay nito, sinabi rin naman ni Panelo na bukas din ang pamahalaan sa protocol na itinakda ng WHO na nagrerekomenda sa “pre-vaccination screening strategy” para sa paggamit ng dengvaxia.
Samantala, sinabi rin naman ni Panelo na kapag napatunayang epektibo ang dengvaxia ay tiyak na mapapababa nito ang kabuuang bilang ng kaso ng dengue sa bansa.