Ayon sa Indonesia National Disaster Mitigation Agency, nagbuga rin ng usok at abo ang Mount Ili na aabot 4 na kilometro.
Dahil dito, sapilitan nang ipinalikas ang mga residente malapit sa Mount Ili na tinatayang nasa halos 3k katao.
Itinaas naman ng otoridad sa 2nd highest level alert status ng Mount Ili kung saan ibinababala ng mga ito ang posibleng lava flows anomang oras.
Pinalawig narin sa 2.5 miles ang no go zone sa paligid ng crater at ipinagbabawal na rin ang anomang aktibidad sa loob ng 4 kilometer radius mula sa crater.