Wala nang legal na balakid sa paglilitis ng kaso laban kay Sen. Leila De Lima na may kaugnayan sa ipinagbabawal na droga.
Ito’y makaraang ibasura ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) ang motion for reconsideration ng mga abogado nina De Lima at Ronnie Dayan.
Sa desisyon ni RTC Branch 205 Judge Liezel Aquiatan, pinawalang-saysay ng hukom ang hirit nina De Lima at Dayan na ibasura ang kaso dulot ng kawalan ng merito.
Nag-ugat ang kaso sa alegasyon na tumanggap umano ng pera ang dating kalihim ng Department of Justice (DOJ) mula sa mga drug lords sa New Bilibid Prison (NBP) para pondohan ang kanyang senatorial campaign.