Kumikilos na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang masolusyunan ang mabigat na daloy ng trapiko sa bansa.
Ito ang tiniyak ni MMDA Chairman Benhur Abalos matapos na lumabas sa isang pag-aaral na pangalawa ang Pilipinas sa may pinakamalalang trapiko sa buong mundo.
Sinabi ni Abalos, sinisilip na nila ngayon ang mga proyektong pang-imprastraktura at mga deployment ng traffic enforcers upang maayos ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Dagdag pa ni Abalos, pinasusuri na rin niya ang mga lugar na nagdudulot ng problema sa trapiko gaya ng mga u-turn slots.