Nababahala si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa patuloy na militarisasyon ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Carpio na ang patuloy na konstruksyon ng China sa teritoryo ay para sa military planes at ito aniya ay para sa kanilang mga base militar.
Kumbinsido si Carpio na nababahala rin ang Estados Unidos at ang mga bansa sa Europa sa aksyon na ito ng China dahil tungkol ito sa naval powers.
Pero, ang concern aniya ng Pilipinas ay patungkol lamang sa pag-exploit ng China sa natural resources nito sa loob ng exclusive economic zone gaya ng pangingisda at pagkuha ng mga mineral doon.
Samantala, ipinayo rin ni Carpio na mainam pa ring kausapin muna ang China bago umaksyon ang pamahalaan lalo’t tiwala siya na hindi agad susuko ang China kahit na nanalo ang Pilipinas sa isinampang kaso nito laban sa kanila sa permanent court of arbitration
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 25 ) Allan Francisco