Suportado ng palasyo ng Malacañang ang hirit na payagan ang mga midwives at pharmacists para sa pagtuturok o pag-aadminister ng COVID -19 vaccine.
Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Harry Roque, kakailanganin kasi ng pamahalaan ng maraming vaccinators lalo pa’t target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 70 milyong mga Pilipino.
Aniya, sa Estados Unidos kasi ay nakaenlist ang mga medical at nursing students para sa kanilang vaccination program.
Una rito, sinabi ni Department Of Health Under Secretary Myrna Cabotaje na pinag-aaralan na nila ang posibilidad na pagpayag sa mga pharmacists at midwives na mag-administer ng bakuna ngunit dapat na may patnubay ng mga physician.