Pinuna ng Associated Labor Union – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang sobrang oras na pagpapa-trabaho matapos lamang ang venue na gagamitin para sa Southeast Asian Games (SEAG).
Ayon kay ALU-TUCP Vice President Gerard Seno, nakalalabag sa karapatan ng mga manggagawa ang magtrabaho ng lagpas sa walong oras.
Tinukoy rin ni Seno ang pagkahulog sa scaffolding ng isa pang trabahador at sinasabing 24 oras itong nagtatrabaho para sa renovation ng Rizal Memorial Complex.
Sa huli, iginiit rin ni Seno kulang ang mga construction workers sa kabila ng memorandum mula sa Philippine Sports Commission (PSC) na dadamihan ang mga manggagawa sa pagsasa-ayos ng SEA Games venue.