Bahagya nang nabawasan ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan sa bansa, ngayong araw.
Batay sa pinakahuling monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), umaabot na lamang sa 3,300 na mga pasaherong stranded sa mga panyalan sa Central Visayas, Southern Tagalog, Western Visayas at Bicol.
Maliban sa mga pasahero, suspendido rin ang operasyon ng 789 na rolling cargoes, 31 barko, at 35 motorbancas.
Matatandaang, umabot sa 6,000 pasahero ang na-istranded sa mga pantalan kahapon bunsod ng masamang panahon dahil sa bagyong Tisoy.