Pinag-iingat na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga residente sa mga lugar na tatamaan ng Bagyong Ulysses.
Ito ay dahil inaasahang magdudulot ng malakas na pag-ulan ang pagbayo ng hangin ang paparating na Bagyong Ulysses, kung saan inaasahan ang pagbaha, daluyong ng dagat at pag-guho ng lupa.
Dahil dito, nagbabala ang NDRRMC sa mga residentes una nang hinagupit ng nagdaang Bagyong Rolly partikular na ang rehiyon ng Bicol, CALABARZON, MIMAROPA, Central Luzon at Visayas.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, inaasahang tatahakin ng bagyong ulysses ang mga nabanggit na lugar.
Dahil dito, pinaiiwas din muna ng NDRRMC ang maliliit na bangka na huwang munang maglayag dahil sa nakataas na gale warning sa silangang baybayin ng Luzon. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)
ADVISORY: Ipakalat po natin ang babala ng NDRRMC sa mga kababayan natin na possibleng maapektuhan ng Bagyong “ULYSSES”. Patuloy na makiisa, makibahagi, mag-ingat!#UlyssesPH #ResiliencePH | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/VO5YJQQxHr
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 10, 2020