Hindi dapat maging kampante ang mga residente ng Mindanao.
Ito ang payo ng Philippine Institute of Volcanalogy and Seismology (PHIVOLCS) kung saan dapat pa ring manatiling handa at alerto ang mga residente sa Mindanao matapos na tumama ang 4 na malalakas na lindol sa rehiyon mula Oktubre hanggang buwan ng Disyembre.
Ayon sa Phivolcs, ang Tangbulan fault na may layong 62 kilometro mula Davao del Sur hanggang Davao Occidental ay maaring makapag dulot ng malakas at mapaminsalang lindol na aabot hanggang magnitude 7.2.
Aniya, bagamat hindi na nararamdaman pa ang mga aftershocks matapos na tumama ang magnitude 6.9 na lindol nito lamang Linggo, December 15 ay dapat pa ring maging handa ang mga residente.
Batay sa pinaka huling datos ng National Disaster Risk Reductuon and Management Council (NDRRMC), nasa 11 na ang nasawi dahil sa lindol habang nasa 111 naman ang sugatan.
Matatandaang, tumama ang magnitude 6.3 na pagyanig sa Mindanao nitong October 16, magnitude 6.6 nitong October 29 at magnitude 6.5 nitong October 31.