Muling inirekomenda ni Architect and Urban Planner Jun Palafox sa pamahalaan ang mga nabuong solusyon sa problema sa trapiko sa ilalim ng Metro Plan Manila.
Sinabi ni Palafox na nagpulong na sila ni Transportation Sec. Arthur Tugade kagabi at masaya siya dahil nakikinig ang kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay Palafox, makatutulong sa pagresolba sa problema sa trapiko ang paglalagay ng mga elevated walkway sa EDSA at ng pedestrian bridges sa mga ilog, gayundin ang pagpapataw ng congestion charges sa mga sasakyan na papasok sa Mega Manila.
Bahagi ng pahayag ni Architect Jun Palafox
By Katrina Valle | Sapol