Nabawasan ang bilang ng mga Pilipino na nagsasabing sila ay naghihirap.
Batay sa inilabas na official poverty statistics para sa taong 2018 ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumalabas na bumaba sa 16.6% ang poverty incidence noong 2018 kumpara noong taong 2015 na nasa 23.3%.
BREAKING: Bilang ng mga Pinoy na itinuturing na mahirap, naitala sa 16.6% nitong 2018; mas mababa ito kumpara sa 23.3% na naitala noong 2015 | via @PSAgovph pic.twitter.com/Qng7yotJFT
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 6, 2019
Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, ito ay katumbas ng mahigit P17-milyong Pilipino na ang kinikitang sahod ay mas mababa pa sa poverty threshold.
Ibig sabihin, nasa 166 na lamang sa bawat 1,000 Pilipino ang maituturing na mahirap.
Samantala, lumabas rin sa naturang pag-aaral ng PSA na ang pamilyang may limang miyembro ay nangangailangan ng P10,727 kada buwan para sa pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain.