Nananatiling ligtas sa COVID-19 infection ang nasa 445 Filipinong inilikas mula sa Diamond Princess cruise ship sa Japan.
Ito ang binigyang diin ni Health Sec. Francisco Duque III matapos na i-repatriate at isailalim sa quarantine ang mga Filipinong lulan ng naturang cruise ship.
Aniya, negatibo pa sa ngayon at hindi pa nakikitaan ng anumang sintomas ng COVID-19 ang mga naturang Filipino.
Sinabi ni Duque, 440 sa mga inilikas na Pinoy ang crew members ng cruise ship habang lima naman sa mga ito ang guest passengers ng naturang barko.
All of the OF’s or Overseas Filipino’s were asymptomatic throughout the flight and were transferred directly to the quarantine facility in the NCC. All quarantined individuals will be assessed twice daily, once via tally medicine and another assessment to actual physical examination. They will be provided with food, hygiene kits and appropriate health services,” ani Duque.