Tinatayang nasa 52% o katumbas ng 35.5 milyong Pilipino ang nakahandang magtipid ngayong kapaskuhan.
Batay kasi sa bagong survey ng global financial comparison website na finder.com, lumalabas na 52% mga Pilipino na nasa edad 18 pababa ang nagpaplanong magbawas sa kanilang gastusin ng hanggang average na 31% sa nalalapit na pasko.
Ito ay kinumpara umano sa gastos noong nakaraang Pasko kung saan lumalabas na 17,000 ang nagagastos noon kada tao.
Nangangahulugan na posibleng bumaba sa P5,219 na lamang ang ilalabas na panggastos ngayong kapaskuhan.
Dahil dito, nangangamba na ang mga retailer at service provider dahil batay sa kanilang pagtaya ay posibleng mawalan sila ng kita ng hanggang P95-B.
Samantala, nabatid naman na nasa 10 bansa ang kabilang sa naturang survey kung saan pangalawa ang Pilipinas sa listahan sa mga nagbabalak na magbawas ng gastos.
Nangunguna dito ang South Africa na nasa 56%, pangatlo ang Hong Kong at India 47%, Canada 43% at Irish na nasa 42%.