Dapat na alalayan ng pamahalaan ang mga na-stranded na pasahero sa iba’t-ibang mga pantalan.
Ito’y ayon kay Ang Probinsiyano Rep. Ronnie Ong matapos mapaulat na nasa libu-libong pasahero na ang na-stranded matapos na itaas ng PAGASA ang storm warning signal sa ilang mga lugar dahil sa pagpasok ng Bagyong ‘Ursula’ sa bansa.
Ayon kay Ong, dapat na tulungan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mga apektadong pasahero lalo na’t nagsisiuwian ang mga ito sa kani-kanilang mga probinsiya para salubungin ang Pasko.
Dagdag pa nito, batid naman niya na ang pagkansenla sa mga biyahe ay upang matiyak din ang kaligtasan ng mga pasahero ngunit mas makabubuti naman kung tutulungan ang mga ito ng pamahalaan.
Una rito, sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman Capt. Armand Balilo na makatatanggap naman ng tulong mula sa Department of Transportation (DOTr) ang mga apektadong pasahero.