Pumalo na sa mahigit 40,000 ang bilang ng mga pasaherong bumibiyahe sa iba’t-ibang pantalan sa bansa.
Ito ay batay sa pinaka huling tala ng Phil. Coast Guard (PCG), mula alas dose ng madaling araw hanggang kaninang alas sais ng umaga.
Batay sa datos ng PCG, pinakamaraming pasahero ang naitala sa Central Visayas kung saan umabot ito 25,000 mula sa mga pantalan sa Cebu, Bohol, at Southern Cebu.
Habang sinundan naman ito ng Southern Tagalog kung saan umabot na sa 7,000 ang mga pasahero.
Sa ngayon, tiniyak naman ng PCG na mahigpit silang magbabantay sa pantalan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.