Pinasisibak ng isang grupo ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kaugnay nang nangyaring krisis sa suplay ng tubig sa Metro Manila.
Ayon kay ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio, may kapangyarihan ang MWSS na patawan ng parusa ang Manila Water sa naranasang kakapusan sa suplay ng tubig ngunit hindi nito pinatawan ng anumang penalty ang nasabing water concessionaire.
Aniya, patunay ito na ayaw gampanan ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty ang kaniyang tungkulin.
Paliwanag pa ni Tinio, oras na para sibakin ang mga mataas na opisyal ng MWSS dahil hindi ito kumilos para protektahan ang karapatan ng mga konsyumers.
Samantala, ibinabala rin naman ito pinag-iisipan na rin nila ang pagsasampa ng kaso laban sa MWSS.
Concession agreement
Bukas naman ang MWSS sa posibilidad na tapusin na ang concession agreement ng Manila Water matapos ang dalawang linggong kakulangan sa supply ng tubig sa Metro Manila at Rizal.
Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, tinitingnan na nila ang ilang “options” upang mapanagot ang manila water na nagsu-supply sa East zone.
Kabilang sa mga posibleng ipataw na parusa ng ahensya ang pagputol sa extension ng kasunduan sa Manila Water na mapapaso sa taong 2022.
Sa ilalim aniya ng concession agreement sa MWSS, nilabag ng nabanggit na concessionaire ang obligasyon nito na makapagbigay ng “uninterrupted water service” sa kanilang mga customer.
—-