Kinasuhan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang nasa daan-daang opisyal ng barangay dahil sa anomalya sa distribusyon ng social amelioration program (SAP).
Ito mismo ang ibinunyag ni DILG Undersec. Jonathan Malaya kung saan nasa 301 barangay officials na ang sinampahan nila ng kaso.
Bunsod ito ng pagkakasangkot ng mga nasabing barangay officials sa mga iregularidad sa pamamahagi ng SAP sa mga benepisyaryo nito.
Ayon kay Malaya, inatasan na ng DILG ang Philippine National Police (PNP) na habulin at tiyaking mapaparusahan ang mga nanamantala at nangurakot na mga opisyal, at mga personnel ng mga local government units (LGU).
Aniya, nagsasagawa na rin ng case-build up ang DILG laban pitumpung iba pang mga lokal na opisyal.
Una rito, matatandaang umabot sa halos 3,000 ang natanggap na reklamo ng DILG hinggil sa distribusyon ng SAP.