Pansamantalang naputol ang linya ng komunikasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa Camarines Sur sa Bicol Region.
Ito mismo ang kinumpirma ni PDRRMO Camarines Sur Spokesperson Estel Estropia hinggil sa pananalasa ng bagyong Tisoy sa rehiyon ng Bicol.
Ayon kay Estropia, ito ang dahilan kaya’t nahirapan silang kumalap ng impormasyon hinggil sa sitwasyon at estado ng mga munisipiyo at barangay sa lalawigan.
Nahirapan kaming kumuha ng status ng mga munisipyo at mga barangay kasi kung nabalitaan niyo po cut ang aming cellular receptions dito sa CamSur ganun din sa internet,” ani Estropia.
Dagdag pa nito, kasalukuyan na ring inaayos ng mga otoridad ang mga naputol na linya ng kuryente matapos mabuwal ang ilang mga poste dahil sa sobrang lakas ng hanging taglay ng bagyong Tisoy.
Kasi malakas yung hangin nitong si Tisoy so, maraming punong natumba saka mga natumbang poste kaya rin siguro yung signal namin kahapon ay cut off muna ni Smart at ni Globe. Currently, isa pa yan province wide hindi pa naibabalik ang linya ng kuryente,” ani Estropia. — sa panayam ng Ratsada Balita.