Nagkaroon ng paglabag sa konstitusyon ang mga mahistrado ng Korte Suprema sa pumabor na mapayagang makapagpiyansa si Senator Juan Ponce Enrile.
Ayon kay Atty. Homobono Adaza, dating assembly man, malinaw sa Section 134 ng Article 3 ng konstitusyon na sinuman nakasuhan ay pinapayagan na makapag pyansa maliban lamang kung ang kaso ay may parusang habambuhay na pagkabilanggo kaakibat ang matibay na ebidensya na nagsasabing guilty ang akusado.
Nahaharap si Enrile sa kasong plunder isang non-bailable offense at may parusang habang buhay na pagkabilanggo.
Katwiran ni Adaza, hindi tama na naging basehan ang humanitarian reason dahil ito ay unconstitutional.
By Rianne Briones