Isinailalim na sa proseso ng ‘disinfection’ ang mga naapektuhang lugar African Swine Fever (ASF).
Ito mismo ang sinabi ni Dept of Agriculture Spokesperson Noel Reyes, matapos magpositibo sa ASF ang ilang mga namatay na alagang baboy sa Bulacan at Rizal.
Kaugnay nito, pinatutukan rin ng DA ang mas mahigpit na quarantine measure sa Visayas at Mindanao.
Aniya, dapat magkaroon ng ‘foothbathing’ sa mga paliparan at pantalan, upang hindi na kumalat pa ang naturang sakit sa ibang bahagi ng bansa.
Dahil dito, pinayuhan naman ng DA ang mga nag-aalaga ng baboy na ipagbigay alam agad sa otoridad kung may di pangkarinwang pagmatay ng kanilang mga alagang baboy.