Masyado pang maaga para i-lockdown ang mga lugar na may kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
Ito ang binigyang diin ni Health Sec. Francisco Duque III hinggil sa mga naitalang local transmission ng sakit sa ilang lungsod sa bansa.
Ayon kay Duque, mahigpit ang mga protocol na ipinapatupad ng DOH sa ngayon at hindi pa kailangang i-lockdown ang ilang lugar sa Pilipinas.
Sinabi ng kalihim, sa ngayon kasi ay dapat pa munang hintayin ang resulta hinggil sa community transmission ng virus.
Dagdag pa ni Duque, tatalakayin din ng DOH at DEPED ang suspensyon ng klase.