Bumababa na ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito mismo ang ipinagmalaki ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung saan nakitaan na aniya nila ng pagbaba ang kaso ng COVID-19 sa ilang bahagi ng bansa, partikular na sa Metro Manila.
Gayunman, hindi naman na tinukoy pa ni Vergeire ang mga lugar na nagkaroon ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 ngunit tiniyak naman nitong mahigpit nilang mino-monitor ang mga lugar.
Samantala, sinabi naman ni Vergeire na hindi pa makikita sa ngayon ang epekto ng mga nagdaang bagyo dahil hinihntay pa nila ang mga report na isusumite mula sa lugar na nasalanta ng mga nagdaang bagyo.
Matatandaang batay sa pag-aaral ng UP OCTA research na posibleng tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa mga susunod na araw dahil na-balam ang pagsusumite ng ilang mga laboratoryo ng kanilang report dahil pa rin sa epekto ng mga nagdaang bagyo.