Iginiit ni Mines and Geosciences Bureau director Luis Jacinto na walang puwang sa bansa ang iresponsableng pagmimina.
Sa Mining Philippines 2016 international conference and exhibition, sinabi ni Jacinto na hindi mapapatawad ng Administrasyong Duterte ang mga nagmimina nang hindi wasto.
Aniya, mas mainam na itigil nila ang iresponsableng pagmimina o tuluyang lisanin ang Pilipinas.
Samantala, sinabi ni Chamber of Mines of the Philippines president Philip Romualdez na makapag-aambag ng 22 Bilyong Dolyar sa kita ng bansa sa susunod na limang taon ang mga mining project na sinusuportahan ng mga Pilipinong investor.
Sa panig naman ni Federation of the Philippine Industries chairman Jesus Arranza, sumang-ayon ito na nakatutulong sa ekonomiya ang pagmimina.
By: Avee Devierte