Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga health workers sa bansa na nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), umakyat na sa 2,787 ang kabuuang bilang ng mga medical workers na nahawaan ng naturang sakit.
Mula sa kabuuang bilang, 1,131 dito ang aktibong kaso –144 rito ang asymptomatic, 986 naman ang mild cases, habang isa naman ang nasa malubhang kondisyon.
Nasa 358 naman ang mga non-medical staff na nagtatrabaho sa mga ospital ang nahawaan rin ng COVID-19.
Samantala, tinatayang nasa 1,624 naman ang mga health workers na naka-recover sa sakit habang nananatili naman sa 32 ang nasawi.