Pabor si Senador Leila De Lima sa panawagan ng pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC) na pagpaliwanagin ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) hinggil sa ginastos nito sa nagdaang SEA games.
Sa inilabas na pahayag ni detained Senator Leila De Lima, nanatili aniyang walang kasagutan sa tanong ng Pilipino kung magkano ang kabuuang ginastos ng organizer sa palaro.
Pagdidiin ng senadora, hindi dapat balewalain ang posibleng korapsyon, kaya’t dapat na panagutin ang mga taong nasa likod nito.
Nauna rito, inihayag ng POC na handa silang gumawa ng ligal na aksyon laban sa PHISGOC dahil sa kawalan nito ng financial report.