Umapela ang Bureau of Immigration (BI) sa mga airline companies na huwag papasukin sa bansa ang mga dayuhang walang kaukulang visa.
Sa pahayag na inilabas ni Immigration Commissioner Jaime Morente, iginiit nito na dapat tumalima ang mga airlines sa international travel guidelines, matapos na mapaulat na pinababalik lamang ng mga airline companies ang mga foreigners na walang visa para makapasok ng Pilipinas.
Sinabi ni Morente, dapat na sagutin ng mga airline companies ang return flights at accommodation ng mga dayuhan na hindi maaring makapasok sa teritoryo ng Pilipinas, dahil sa kawalan ng visa ng mga ito.
Ayon kay Candy Tan, Port Operations Division Chief ng BI na karamihan sa mga dayuhang hindi nakapasok sa Pilipinas ay yung mga asawa ng mga Pilipino.
Ani Tan, karamihan kasi sa mga ito ay may dala lamang na marriage certificate, gayong kailangan pa rin nila ng entry visa, pati na pre-booked ng mga accredited quarantine facilities sa Pilipinas.