Dapat na manatiling bukas ang border ng mga bansa, at hindi rin dapat itigil ang pakikipagkalakalan sa pagitan ng mga bansa, sa gitna ng novel coronavirus (2019-nCoV) outbreak.
Ito ang binigyang linaw ng World Health Organization (WHO) matapos nitong i-deklara ang pandaigdigang health emergency dahil sa nCoV.
Ayon sa WHO, bagamat dapat na i-prayoridad ng mga bansa ang kaligtasan, at kapakanan ng kanilang mga mamamayan ay hindi naman dapat isara ang official border ng mga bansa.
Sinabi ni WHO Spokesman Christian Lindmeier, ito ay upang mabantayan pa rin ang mga papasok at lalabas sa mga bansa.
Gayunman, sinabi naman nito na kung sakaling magpatupad ng travel ban ay hindi naman dapat ito tumagal.