Inilatag na ang mga programang tatahakin ng Philippine Coast Guard (PCG) sa ilalim ng pamumuno ni Commandant Vice Admiral Joel Garcia.
Ito ay matapos nagpatawag ng command conference si Garcia sa kanyang unang araw bilang bagong commandant ng PCG.
Tinalakay sa naturang pagpupulong ang polisiya kaugnay sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea, Maritime Safety at paghahanda sa pagdagsa ng mga barko ngayong nalalapit na Undas.
Iginiit ni Garcia sa kanyang pamumuno ay maraming oras ang gugugulin ng mga barko ng PCG para bantayan ang coastline sa bansa.
Samantala, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Garcia bilang bagong commandant ng PCG at magugunitang si Garcia na ang ika-28 commandant ng PCG. — ulat ni Aya Yupangco