Ipinapa-quarantine na ng mga otoridad sa Hong Kong ang mga alagang hayop, kasunod ng napaulat na isang alagang aso ang nagpositibo umano sa coronavirus disease (COVID-19).
Ayon sa tagapagsalita ng pamahalaan ng Hong Kong, “weak positive” ang naging resulta ng test na ginawa sa nasal at oral cavity ng naturang aso.
Dagdag pa rito, natukoy rin na ang alagang hayop ay pagmamay-ari ng isang 60-anyos na babaeng nagpositibo sa COVID-19.
Sa ngayon wala pa namang siyentipikong basehan ng pagpasa ng human virus sa mga domestic animals gaya ng mga aso at pusa.
Gayunman, nanindigan parin ang pamahalaan ng Hong Kong na ipa-quarantine ang mga alagang hayop ng mga residente na magpopositibo sa COVID-19.