Itinaas na ng PAGASA ang red rainfall warning sa Metro Manila at mga karatig probinsiya.
Batay sa inilabas na weather bulletin ng PAGASA, ito ay bunsod pa rin ng bagyong ambo.
Sa babala ng pagasa, red rainfall warning ang umiiral sa Metro Manila, Bulacan, rRzal at Nueva Ecija.
Orange warning naman sa Mauban, Sampaloc, Lucban, Lucena at Sariaya sa Quezon.
Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa ulan at posibleng mga pagbaha.
Red rainfall warning ang itinataas kung mahigit sa 30 millimeters ang ulan na bubuhos sa susunod na isang oras at inaasahan na umabot pa ito sa 65 millimeter sa susunod na tatlong oras.
Sa ilalim ng red rainfall warning, inaasahan na ang pagkilos at paglikas ng mga residente dahil sa inaasahang pagbaha.
Habang itinataas naman ang yellow rainfail warning kung aabot sa 7.5 hanggang 15 millimeters ang dami ng ulan na bubuhos sa susunod na isang oras, at inaasahan na magpapatuloy ito.