Nagkaisa ang Metro Manila mayors na gawing unified o isahan na lamang ang contact tracing QR code na gagamitin sa mga establisyimento sa NCR.
Ayon kay Metro Manila Council Chairman Edwin Olivarez, mas magiging madali kasi sa pagproseso ng contact tracing kung pag iisahin nalamang ito.
Magugunitang, una nang nagpatupad ng sariling contact tracing apps ang mga Lungsod ng Pasig at Valenzuela City na gagamitin sa mga papasok at lalabas ng mga establisyimento sa mga nabanggit na lungsod.
Habang ang Makati City naman ay nakatakda na ring magkaroon ng sariling contact tracing portal sa susunod na linggo na anila’y tatawaging umakemakatisafe.com