Mananatili pa rin sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila sa Pebrero.
Ito’y ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano ay batay sa naging pagpupulong ng Metro Manila Mayors noong Martes ng gabi kung saan naghain ng rekomendasyon ang mga alkalde sa IATF hinggil sa quaranine status sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ni Cayetano, nais kasi ng mga alkalde sa Metro Manila na manatili pa rin sa GCQ ang NCR.
Gayunman, sinabi naman ni Cayetano na ang Metro Manila Council—sa pamamagitan ni Metropolitan Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia pa rin magmumula ang opisyal na anunsyo.