Nanindigan ang Meralco na bibigyan naman ng kunsiderasyon ang mga customers upang mabayaran ang kanilang mga nakonsumong bills.
Ito ang naging pagtitiyak ni Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, kaugnay ng deadline na hanggang ika-31 ng Oktubre para ma-settle o mabayran ng mga konsyumer ang kanilang bills.
Sinabi ni Zaldarriaga, maghihintay din sila ng pahayag mula sa gobyerno hinggil sa desisyong palawigin pa hanggang Disyembre ang kanilang binigay na palugit sa mga customers para mabayaran ang kanilang mga nakonsumong kuryente.
Sa ngayon, tiniyak din naman ni Zaldarriaga na hindi naman prayoridad ng Meralco na putulan ng suplay ng kuryente o i-disconnect ang power service ng mga ito dahil batid naman aniya nila ang pasaning dinadala ng mga konsyumer sa gitna ng pandemya.