Naniniwala ang MCPF o Motorcycles Philippine Federation na dapat pahintulutan ang motorcycle taxis na Angkas na magbalik operasyon.
Ayon kay MCPF President Atoy Sta Cruz, pabor ang kanilang grupo na muling makapag-operate ang angkas dahil bukod sa makapagbibigay ito ng trabaho sa mga motorcycle riders ay malaki rin ang maitutulong nito upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko.
Samantala, aminado naman si Sta Cruz sa panganib na maaring idulot ng paggamit ng motorcycle taxis ngunit tiniyak rin nito na wala pang naitalang disgrasya sa mga naging operasyon ng Angkas.
“Alam mo, ang stand namin diyan is yes kami eh. Unang una, magkakaroon ng trabaho yung mga motorcycle riders natin, pangalawa, makakatulong yan sa traffic. Katulad nga ng sinabi ko noon pa, kailangan talaga ng massive training lang doon sa sasama sa Angkas kasi noon pa naman ay meron ng habal habal.”