Ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ricardo Marquez ang pagdedeploy ng mas maraming pulis sa Metro Manila partikular sa mga mataong lugar.
Ito’y makaraang magsagawa si Marquez ng surprise inspection sa kamakailan sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay PNP Spokesman, Chief Superintendent Wilben Mayor, bahagi ng direktiba ni Marquez sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagdedeploy ng karagdagang pulis sa kalakhang Maynila.
Kabilang aniya sa pinatututukan ng PNP Chief ang paligid ng MOA sa Pasay City at ilan pang malaking mall sa pamamagitan ng pagtatalaga ng special weapons and tactics at search and rescue units.
Pinangunahan din ni Marquez ang inspeksyon sa ilang mataong lugar sa Makati City, Avenida sa Maynila, Monumento sa Caloocan City at kahabaan ng Edsa.
Tiniyak naman ng Heneral na mas maraming pulis ang makikita ng publiko sa mga lansangan at mataong lugar bilang preparasyon na rin sa APEC Summit sa Nobyembre.
By Drew Nacino | Jonathan Andal