Target ng pamahalaan na magpatupad ng mas agresibo pang isolation measures sa bansa.
Ito, ayon kay COVID-19 Response Chief Implementer Sec. Carlito Galvez Jr., kasunod ng naging pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na ipagbawal na ang home quarantine.
Ayon kay Galvez, talagang kailangan ang agresibo at absolute na isolation measures sa Pilipinas kung saan ibubukod o ia-isolate ang lahat ng magpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi pa ni Galvez, nakitaan nila ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 ang mga lugar kung saan hindi inirerekumenda ang home quarantie gaya na lamang ng Central Luzon, Calabarzon, Manila, Navotas at Pateros.
Batay sa ilalim ng DILG memorandum circular number 2020-101, maari lamang maghome quarantine ang isang COVID-19-positive patient kung mayroon itong sariling kwarto at banyo o comfort room (CR), at kung wala itong kasamang vulnerable person gaya ng senior citizen, buntis, at mga indibidwal na may iniindang sakit sa tahanan.