Nais ng ilang senador na magkasa ng executive session at imbitahin ang mga military officials sa bansa at iba pang opisyal ng gobyerno, para pag usapan ang bagong batas sa China na nag pagbibigay pahintulot sa Chinese Coast Guard na barilin ang mga foreign vessel sa kanilang karagatan simula sa Pebrero 1.
Ayon kay Senator Francis Tolentino, maraming mangingisdang Pilipino ang posibleng maapektuhan ng bagong batas ng China partikular na sa mga mangingisda sa Zambales, Mindoro, Palawan, Batangas at Cavite.
Aniya, dapat ring bigyan ng pansin ang isa pang nilalaman ng bagong batas sa China kung saan kanilang binibigyan ng kapangyarihan ang mga Chinese Coast Guard na sirain ang lahat ng istraktura na itinayo sa Chinese-claimed reef.
Samantala, nais naman ni Senator Richard Gordon na pagpaliwanagin ang China sa kung ano ang intensyon nito.
Paliwanag nito, maaari kasi itong magdulot ng tensyon lalo na’t dumaraan sa pinag-aagawang teritoryo ang mga barko ng Australia, United Kingdom, Amerika at iba pa.